Red tide alert sa bataan

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga residente laban sa pagkain ng shellfish tulad ng tahong at alamang matapos ma-detect ang red tide toxins sa walong bayan at isang siyudad sa Bataan.
Ayon kay BFAR Central Luzon Director Wilfredo Cruz, nakataas ang red tide alert sa Orani, Hermosa, Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Samal, Abucay at Balanga City.
Kaugnay ng red tide, ipinagbabawal ang pagkuha at pagdadala ng shellfish mula sa naturang coastal towns.
Patuloy namang mino-monitor ng BFAR ang kalidad ng tubig sa lugar.





Comments