top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

Mga pasaway, manahimik ngayong Undas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 31, 2019
  • 1 min read

Tiniyak ng kapulisan na ligtas na magugunita ang Undas.

Wala umanong natatanggap na security threat, partikular sa Metro Manila.

Gayunman, pinalakas pa rin ang intelligence-gatherings para mapigilan ang mga pag-atake sa mga sementeryo at columbarium kung saan nagpakalat na sila ng 4,233 pulis sa mga sementeryo kabilang ang mga tatao sa mga police assistance desk na tutulong naman sa mga commuter at pipigil sa mga kriminal.

Naka-ready din ang Special Weapons and Tactics (SWAT) at Regional Mobile Force Battalion, ganundin ang force multipliers na kabibilangan ng mga bantay-bayan volunteer, barangay peacekeeping action team, private security guard at maging ang mga non-governmental organization.

Nagdeklara na rin ng full alert status at lalo pang paiigtingin ang mga checkpoint sa mga kalsada patungo sa mga sementeryo.

Kung puspusan sa paghahanda ang mga awtoridad laban sa masasamang-loob, obligasyon din nating makiisa. Simulan sa ating sarili, maging disiplinado at marespeto sa mga kasabay nating dumadalaw sa sementeryo. Sumunod sa mga batas na ipatutupad dahil para rin ito sa ating kaligtasan, hindi ‘yung taun-taon na lang ay sangkaterbang kontrabando pa rin ang nakukumpiska mula sa mga patalim, ilegal na droga, alak at kung anu-ano pang ipinagbabawal na gamit na nagiging dahilan ng kaguluhan,

Sana ay maintindihan natin na ang Undas ay paggunita sa mga namayapa nating mga mahal sa buhay at hindi para sumunod sa hukay. Kaya ‘yung mga pasaway d’yan, manahimik na lang kayo sa bahay.

Igalang natin ang minsan sa isang taon na pagbisita sa puntod ng mga namatay, bagama’t, sa lahat ng araw naman ay puwede natin silang alalahanin at ipagdasal.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page