top of page
Pokwang.jpg

Metro Manila, pinakamalalang trapik sa buong mundo — Waze

Mylene Alfonso
Oct 31, 2019
1 min read

Inamin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na posibleng totoo ang naging pag-aaral ng navigation app na Waze na itinuturing ang Kalakhang Maynila bilang “worst place for drivers”.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, hindi na nila kokontrahin pa ang pag-aaral ng Waze kung saan aabot ng 4.9 minutes ang travel time para lamang makumpleto ang isang kilometrong biyahe.

Ikinatuwiran ni Pialago na ang totoong problema ay ang volume ng sasakyan sa Kalakhang Maynila.

Hindi na rin umano ito itatanggi ng ahensiya sapagkat totoo umano na matagal ang travel time at travel speed kung EDSA pa lamang ang pag-uusapan.

Sadya na talaga aniya itong congested.

Sa EDSA pa lamang, mayroon lamang aniya itong capacity na 245,000 na mga sasakyan kung saan, sa kasalukuyan ay aabot na sa 410,000 ang dumaraan dito.

“The problem is volume. So, we can only do so much to manage such number of cars on a limited road network,” wika naman ni EDSA Traffic Chief Edison ‘Bong’ Nebrija

Matatandaang, napaulat na sa buong mundo, pinakamalala ang sitwasyon sa Metro Manila kung pag-uusapan ang travel time dahil sa kalbaryo ng trapiko.

Nabatid na mas matagal pang bumiyahe sa Metro Manila kaysa sa Bogota sa Colombia, Sao Paulo sa Brazil at Tel Aviv sa Israel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page