Beautiful Star vs Princess Tin sa WTA

Aalagwa ngayong gabi ang walong karera ng Condition Race sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Kasabay nito hahataw ang dalawang Pick 5 at ang Winner Take All, Pick 6 at Pick 4 bukod pa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super 6. Sa Race 1 magsisimula ang 1st Pick 5 WTA at pinapaboran ang Kentucky Rain at isama sa mga paratingan sa Trifecta at Quartet.
Pinapaboran ang Artikulo Uno, posibleng tumalo ang Hard Work Classic at Gee’s Delight na simula ng WTA sa Race 2. Sa Race 3, nakalalamang ang couple entry na Believe Me at Daldalero puwedeng talunin ng Rocking Hill sa simula ng Pick 6.
Sa 2nd Pick 5 na gaganapin sa Race 4, nakalalamang ang Beautiful Star at makakalaban ang Princess Tin. Ipinapatok ang Probinsiyano, panama sa Trifecta, Quartet at Pentafecta ang Smell My Tail, Pronto, Entry no.3 at Rockway sa Race 5 simula ng Pick 4.
Nakalalamang ang Dalagang Bukid at makakalaban ang Sydney Boy at Ainna’s Victory sa Race 6. Nakalalamang ang Nothing But D Truth at makakalaban ang couple entry na Ultra Boost at High Quality sa Race 7.
Sa Race 8, nakalalamang ang Zapima at makakalaban ang River Mist, Show Off at Play It Safe, isama sa parating sa Pentafecta at Super Six ang Tidal Wave at Dominatore.





Comments