top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

7 Patay sa 6.6 lindol sa Maguindanao

Jeff Tumbado
Oct 31, 2019
1 min read

Umakyat na sa pito ang namatay sa Magnitude 6.6 na lindol na tumama sa Mindanao, kamakalawa ng umaga.

Pinakamalakas na naramdaman ang pagyanig sa Tulunan at Makilala sa Cotabato, Kidapawan City at Malungon, Sarangani.

Sa report ng Office of the Civil Defense (OCD), dalawa ang nasawi mula sa Magsaysay, Davao del Sur.

Patay ang Grade 9 student na si Jessie Riel Parba ng Kasuga National High School matapos matamaan ng debris habang papalabas ng school building.

Nalibing naman sa landslide sa Bgy. Tagaytay si Benita Saban.

Sa Tulunan naman, nasawi matapos madaganan ng bumagsak na puno ang buntis na si Marichel Morla.

Sa Arakan, Cotabato, patay si Angel Andy at anak na si Reneboy nang magulungan ng mga bato.

Hindi rin nakaligtas ang retiradong ambulance driver na si Nestor Narciso makaraang madaganan ng gumuhong bahagi ng Evangelical Church sa Bgy. General Paulino Santos, Koronadal City.

Sa Digos City, inatake sa puso si Jeremy Sarno habang sakay ng motorsiklo para lumikas sa mas ligtas na lugar matapos ang pagyanig.

Bukod sa mga nasawi, marami rin ang nasugatan kabilang ang mga estudyante.

Hanggang alas-8:00 ng gabi ng Martes ay nakapagtala ng 124 aftershocks ang Phivolcs.

Ibinabala pa rin ng Phivolcs ang publiko ang mas marami pang aftershocks.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page