top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

2 pa raw ang naging anak… Ai Ai, ipinagsigawang 7 yrs. naging kabit

  • Ronalyn Seminiano
  • Oct 31, 2019
  • 1 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nabuhay ang usapang “kabit” dahil sa sumabog na alitan ng magkakapa­tid na Barretto na umabot pa hang­gang China.

And speaking of “kabitesiti”, may revelation din ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas. Sa isang video sa IG, in-interview si Ai Ai at inamin niyang naging kabit din siya noon sa loob ng 7 years!

Pero, unlike other mistresses, aminado si Ai Ai na mali ang ma­ging kabit.

Aniya, “Parang ang bigat-bigat ng buhay mo, tapos parati kang malung­kot. Hindi ka na nagiging masaya.”

Inamin din niyang dalawa ang naging anak niya sa pagiging kerida and since 7 years nga siyang naging mistress, may mga bagay din na­man daw siyang natu­tunan.

At ang payo niya sa mga “kabite girls” ay… “In general, try n’yo na lang ‘wag ma­ging ga­nu’n.

“Siguro i-try n’yo na lang na ‘wag hang­gang maaari. Kung pu­we­deng iwasan, iwa­san na lang kasi siyem­pre, sabi nga nila, bawat pagpatak ng luha nu’ng legal na asawa, ‘yun ‘yung pagbabayaran mong kasalanan.

“So, ako, tingin ko, marami akong pinagbayaran,” dagdag pa niya.

You nailed it, Ai Ai! Sana ay tan­daan ng mga mistresses ‘yan!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page