Sa housing nga, sablay na, sa war on drugs pa ba? Pag-atras ni VP Leni sa 6 mos. na hamon ni P-Digon
Naisahan na naman ni Pangulong Rodrigo Duterte si VP Leni Robredo.
Kamakailan, ipinangalandakan ni VP Leni na wala raw saysay ang kampanya laban sa ilegal na droga ng kasalukuyang administrasyon. Kasunod nito ay binalikan siya ni Pangulong Duterte.
“Siya ang magdala. Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Hindi ako makialam. Sige, gusto mo? Mas bright ka? Sige, ikaw. Subukan mo,” hamon nito. Seryoso ang pangulo, magpapadala raw siya ng sulat kay VP sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Ang mangyayari, si VP Leni ang pansamantalang magpapatakbo ng mga programa ng gobyerno na may kinalaman sa war on drugs o problema sa ilegal na droga. Ang tanong, tanggapin naman kaya niya ang hamon ng pangulo? Palagay natin, hindi. Mahina ang kanyang kukote kaya hindi niya kaya ang ganito kabigat na responsibilidad kung saan kailangan ng matinding pag-iisip at diskarte.
Sa totoo lang, kung hindi namatay ang kanyang asawa na si Jesse Robredo (misteryosong kaso na dapat inimbestigahan nang husto) ay hindi siya makikilala ng taumbayan.
Hinawakan ang propaganda niya ng dilawang media kaya siya sumikat, pero kung sa trabaho sa gobyerno, wala siyang ibubuga lalo na kung ikukumpara ito sa ilang dekada nang serbisyo sa publiko ng dating prosecutor at mayor ng Davao na si Pangulong Duterte.
Eh, kung ‘yung pagpapatakbo nga ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), hindi niya magawa, ‘yun pa kayang madugong trabaho kung saan kailangang maghanap, mag-imbestiga, magtugis, magsakdal at maglipol ng mga kriminal na drug lords, drug dealers at mga adik, pati na rin ang kanilang mga protektor?
Naalala pa ba ninyo kung gaano kapalpak ang VP ng dilawan bilang hepe ng HUDCC? Ayon sa mga ulat, hindi raw ito pumapasok ng opisina at panay biyahe lang abroad sa halip na asikasuhin ang problema sa housing.
Ang ending, sinipa siya ng pangulo mula sa gabinete. Hindi kailangan ng gobyerno at mamamayan ang opisyal na tamad. Mula noon, wala na siyang ginawa kundi ang magdadakdak para sirain ang imahe ng Pilipinas.
Hindi natin malilimutan ang pa-emo na video niya noon sa United Nations kung saan siniraan niya ang kapulisan at nagkalat pa ng mga kasinungalingan tungkol daw sa “EJK”!
Tila SOP ito ng dilawan para magkakudeta — siraan ang pangulo hanggang sa bumagsak ito. Nagawa nila ito kina ex-P-Ferdinand Marcos at ex-P-Joseph Estrada. Sinubukan din nila itong gawin kay ex-P-Gloria Macapagal-Arroyo, pero hindi nila ito napaalis, pero siniraan siya nang husto at ipinakulong pa.
Ayon sa pangulo, nagdesisyon siyang ibigay sa bise-presidente ang trabaho bilang “drug czar” matapos nitong magpa-interview sa isang international news organization (Reuters) kung saan sinabi nitong hindi matagumpay ang ‘drug war’ at ang tina-target lang daw nito ay ang mahihirap sa halip na ang malalaking tao.
Ganu’n, bakit nasa kulungan si Sen. Leila de Lima? Hindi ba ito maituturing na malaking tao? Senadora siya, pero kinasuhan pa rin at kasalukuyang nakakulong dahil nasangkot sa ilegal na business ng droga!
Ang hirap sa oposisyon, partikular ang dilawan at mga pula, wala silang alam gawin kundi ang magbatikos, pero wala silang ibinibigay na ibang solusyon sa mga problema ng bansa.
“Gusto ko lang malaman kung kaya niya. Marami kasing sinasalita i-redirect o anong pinagsasabi niya sa labas. Do it here. Six months,” dagdag pa ng pangulo. Hinahamon ng pangulo na patunayan ni VP Leni na mas magaling siya sa pagresolba sa problema ng ilegal na droga.
Gayunman, inaasahang uurong ito sa hamon. Aba, malaki at mabigat na trabaho ito. Kailangan niyang magpakitang-gilas. Kailangan ng maraming meeting at tamang strategy, gayundin ang koordinasyon at matinding pagbabanat ng buto.
Pero, ang tanong, si VP Leni, magtatrabaho? Siguro, pagputi ng uwak at pag-itim ng tagak!





Comments