Nasa kanya na ang lahat, 'di pa rin kuntento, Liza? Depresyon ni Ice, nakakaalarma!

Nakakapag-alala ang dinaranas na depression ngayon ni Ice Seguerra. Hindi namin alam kung anu-ano ang mga dahilan kung bakit siya nade-depress sa buhay. May career pa naman siya, and she’s a very talented artist, may maligayang love life with her partner, Liza Diño, may magulang na nagmamahal at maraming kaibigan.
So, why feel lonely, Ice Seguerra? Saan nag-uugat ang feeling of depression mo? Ano ang kulang sa buhay mo? Ano ang gusto mong mangyari?
Masarap mabuhay nang simple lang, ‘yung kasama mo ang mga taong mahal mo, ‘yung wala kang feeling na kailangang kumayod nang kumayod at magpaalipin sa trabaho.
You need to slow down. Try to have a “me time” somewhere out there upang makapagmuni-muni at ma-appreciate ang ganda ng buhay at ng mundo.
Hindi naman kailangan ni Aiza este, Ice Seguerra na makipagkumpitensiya sa mga bagong henerasyon ng mga mang-aawit. May napatunayan na siya bilang isang singer/performer/recording artist. Hindi na malilimutan ng lahat ang kanta niyang Pagdating ng Panahon.
Tama lang din na mag-seek na siya ng professional advise na tutulong sa dinaranas niyang depression bago pa mauwi sa mas malalang sitwasyon.
Natural lang na nade-depressed tayo paminsan-minsan. Sina Megastar Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Kris Aquino, atbp. nga ay dumaranas din ng depression.
Hopefully, ma-overcome ni Ice ang kanyang depression. Gusto naming makitang muli ang isang Ice Seguerra na makulit, masaya at chill lang sa buhay.





Comments