MPBL Games sa Navotas, kinansela

Puwersahang kinansela ng Maharlika Pilipinas Basketball League ang laro ng Lakan Season Games noong Lunes dahil sa lakas ng ulan at pagbaha sa Navotas Sports Center.
Patas na ang iskor sa 22 sa pagitan ng Batangas City Athletics at Cebu City Sharks sa nalalabi na lamang na 7:33 sa second quarter nang iutos ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes na kanselahin na ang game dahil madulas na ang sahig ng court at delikado sa paglalaro ng players.
Kinansela rin ang mga laro ng Zamboanga Family’s Brand Sardines laban sa Manila Stars at Makati Super Crunch laban sa Navotas Clutch. “It rained hard before the first game and by the second quarter the floor is already moist,” ayon kay Duremdes. “Our foremost consideration is the safety of the players.”
Ito na rin ang ikatlong beses na kinansela ang MPBL games sa Navotas. Ang una ay noong Hulyo 29, 2018 at ang ikalawa ay ang masamang panahon noong Agosto 3. Lumarga na muli ang MPBL sa Pasig Sports Complex kagabi kung saan nagbakbakan ang Bicol ng 6:30 p.m. at Pasig Sta. Lucia kontra Mindoro ng 8:30 p.m.





Comments