top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga dayo, pinatumba ng Spurs, Bucks at Sixers

  • MC
  • Oct 30, 2019
  • 1 min read

Kumamada ng 27 puntos si DeMar DeRozan at namuno para sa isang malakas na laro para sa San Antonio Spurs na humabol lamang sa maagang pagkaiwan at saka pinasuko sa huli ang bisitang Portland Trail Blazers 113-110 sa NBA game kahapon.

Kinumpleto ng San Antonio ang pag-sweep sa season opening sa tatlong panalo. Lagpak ang Portland sa 2-2 nang matapos ang two-game winning streak.

Nagawa pang makahabol ng Spurs mula sa 19 puntos na pagkaiwan mula sa unang quarter hanggang sa 3rd quarter at bumentahe sa 82-71 bago kumulapso ang final 12 minutes.

Naungusan ng San Antonio ang Trail Blazers sa iskor, 63-38 sa second at third quarters, pero nagawa pang dumikit ng Portland sa bisa ng huling mga atake ni Damian Lillard at dunk nito sa 1:09 na nalalabing minuto, 109-108.

Sa iba pang laro, namuno si Khris Middleton sa 7 nilang players para sa double figures sa bisa ng 21 puntos nang gapiin ng Milwaukee Bucks ang dumayong Cleveland Cavaliers sa final score na 129-112.

Nanggaling sa pagkatalo sa Miami, lumamang pa ang Bucks sa 19 habang ang 17-points ay mula sa tirada ni George Hill at Pat Connaughton, naka- double-figure scoring din ang starters na sina Brook Lopez (16), Giannis Antetokounmpo (14), Eric Bledsoe (14) at Wes Matthews (14).

Samantala, bumanat si Joel Embiid ng 36 points, kabilang na ang panghuling dalawang free throws sa nalalabing 5.3 segundo nang hindi papormahin ng Philadelphia 76ers ang Atlanta Hawks 105-103.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page