top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Mayor Navarro na pasok sa narcolist, nakipagkita pa kay P-Digong 2 linggo bago pinatay

  • Korina Sanchez
  • Oct 30, 2019
  • 2 min read

Nakipagkita raw kay Pangulong Rodrigo Duterte si Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro dalawang linggo bago siya napatay para ipaliwanag ang kanyang panig at pabulaanan na siya ay sangkot sa ilegal na droga.

Ipinagmalaki pa umano ng napatay na mayor na idineklarang drug-free ang mga barangay na kanyang nasasakupan. Wala rin daw sa rekord ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) na siya ay sangkot sa ilegal na droga.

Lumabas ang nasabing impormasyon matapos tambangan si Navarro sa Cebu habang nasa kustodiya ng pulisya. Si Navarro ay nasa narcolist ng pangulo na inilabas noong Marso.

Natural na inisip ng marami na kaya pinatay si Navarro ay dahil kabilang siya sa narcolist.

Ayon sa pulisya, maaaring ilegal na droga, negosyo o organisadong krimen ang nasa likod ng pananambang sa mayor. Sa madaling salita, hindi pa nila alam o wala pa silang matibay na ebidensiya hinggil sa insidente.

Ito ang patunay na hindi garantiya ang kaligtasan kahit nasa kustodiya pa ng pulis. Kung talagang may gustong patayin, mapapatay talaga.

◘◘◘

Bumababa na naman daw ang lebel ng Angat Dam na marahil dahil hindi na gaanong umuulan ngayon.

Kaugnay nito, may mga schedule na muli ang mga kumpanya ng tubig sa pagrarasyon ng suplay, gayundin sa water interruption sa ilang mga lugar.

Hindi masyadong nag-uuulan ngayong mga nakaraang buwan. Kadalasan, sa mga buwan ng Setyembre hanggang Disyembre pumapasok ang mga bagyo, pero sa ngayon ay wala pang namamataan.

Tanging ulan lang ang pinanggagalingan ng tubig ng mga dam kaya kung walang ulan, wala talagang tubig. Hindi tayo sigurado kung maaari nang magamit ang mga tubig-dagat sa bansa tulad ng mga bansa sa Gitnang Silangan.

Isa sana ito na puwedeng panggalingan ng suplay ng tubig, pero sa pagkakaalam natin ay mahal ang teknolohiya para magawa ito lalo na kung malaki ang operasyon. Isa ang bagay na ito sa mga dapat pag-aralan ng gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page