top of page

IM Bersamina, malupet sa Asean Chess Vietnam

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Oct 30, 2019
  • 1 min read

Nagpapakita ng magandang porma sa kanyang paghahanda para sa nalalapit na SEA Games si International Master Paulo Bersamina at nga­yon ay mag-isang nangu­nguna sa 2019 ASEAN Men’s at Wo­men’s Chess Cham­pion­­ships sa Viet­nam.

Halos walang dungis na apat na panalo at isang tabla ang kasalukuyang rekord ng mandirigma sa ahedres mula sa Pili­pinas pagkatapos ng limang sa­lang sa board.

Isa sa mga napun­tusan ni Bersamina ay si Viet­namese Grandmaster Duoc Hoa Nguyen (rating: 2417) nang magkaharap sila sa pangat­long round at si FM Hoang Minh Le (rating: 2280) mula pa rin sa Viet­nam noong round 4 na­man.

Nagpipilit nag maka­habol para mapigi­lan ang Pi­noy chesser ay ang mga ki­natawan ng punong-aba­lang Vietnam.

Kalahating puntos sa likod ni Bersamina (ra­­ting: 2457) ay topseed at IM Minh Tuan Le na may 2515 na rating.

Tatlong Viet­na­mese rin ang magkaka­salo sa pa­ngatlong puwesto bitbit ang tig-3.5 puntos na kar­tada. Ito’y sina Candidate Master Hy Quoc Nguyen (rating: 2129), FIDE Mas­ter Son Hoang Dang (ra­ting: 2306) at IM Ang The Duong (rating: 2320).

Samantala, nakaupo rin sa unahan ng pulutong ng 2019 Pattaya Open Chess Tournament sa Thailand si Pinoy Grandmaster John Paul Gomez matapos itong makakulekta ng anim na pun­tos mula sa pitong rounds ng bakba­kan.

Kasosyo niya sa pag­hawak ng liderato ang Thai na si FM Thanadon Kul­pruethanon.

Kasama si GM Buena­ventura Villamayor, ang da­­ting Asian jr. chess king mula sa Pilipinas at nga­yon ay kuma­katawan na sa Sin­gapore, sa lima-ka­ta­ong gru­po na may dalang 5.5 pun­tos.

Bahagi rin ng pulutong na may malaking tsansa pa sa podium ang mga Pinoy na sina IM Haridas Pascua at FM Severino Sander at si Indian GM Roy Sap­tarshi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page