top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Diliman College, sumampa sa best-of-3 UCBL finals

A. Servinio
Oct 30, 2019
1 min read

Nakuha ng defending champion Diliman College ang unang pwesto sa seryeng best of three para sa Fourth PG Flex Linoleum Universities and Colleges Basketball League (UCBL) matapos lusutan sa semifinals ang magiting na Centro Escolar University, 64-63, noong Lunes sa Pablo R. Olivarez Coliseum.

Pinasok ng beteranong gwardiyang si Robbie Darang ang bola na may pitong segundo sa orasan upang ibigay sa Blue Dragons ang panalo.

Bago noon, binalik ni Eric Tuadles ang lamang sa Scorpions sa pamamagitan ng tres na may 35 segundo sa laro, 63-62.

Nagpalitan ng error ang dalawang panig hanggang tinapon ni Franz Diaz ng CEU ang bola para ibalik ito sa Diliman para sa nagpapanalong buslo ni Darang. May pagkakataon pa ang Scorpions subalit nawala ang bola kay Malick Diouf.

Napilitan magbigay ng foul ang CEU upang tumigil ang oras ngunit wala pa sila sa penalty at naubos ang huling apat na segundo.

Namuno para sa Blue Dragons si Kevin Gandjeto na may 13 puntos, limang rebound at dalawang assist. Sinundan siya ni Billshan Digno na may 12 at pitong assists.

Kailangan pa maghintay ng makalalaro ang Diliman dahil ginulat ng University of Batangas ang twice to beat Olivarez College sa kabilang serye, 89-80.

Maglalaro muli ang dalawang paaralan sa Nobyembre 4 para sa karapatan harapin ang Blue Dragons simula Nob. 11.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page