top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

6 huli sa aktong nagsa-shabu

  • Maeng Santos
  • Oct 30, 2019
  • 1 min read

Arestado ang anim na sangkot sa ilegal na droga matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan Police Chief Col. Noel Flores ang mga suspek na sina Mark Anthony Dajes y Galvez, 18; Christian Pascual, 38; Ronnel Generoso, 39; Rene Gadugdug, 19; John Paul Encarguez ,19, at Charles Jones Adlawan, 21, pawang mga residente ng Bagong Silang.

Ayon kay Col. Flores, ala-1:00 ng hapon, nagsasagawa ng foot patrol ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa Phase 1, Bgy. 176, Bagong Silang nang isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at inginuso ang umano’y nagaganap na pot session sa loob ng bahay ni Dajes.

Agad namang nirespondehan ng mga operatiba ang sinasabing drug den kung saan naaktuhan ang mga suspek na sumisinghot ng shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang ilang drug paraphernalias na may bahid ng shabu, isang nakabukas na sachet na may bahid ng shabu at dalawa pang sachets na may bahid din ng shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page