top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Yes Pinoy Santa Run arangkada sa ASEANA

A. Servinio
Oct 29, 2019
1 min read

Photo: runrio.com

Ang pinakamasayang fun run para wakasan ang taon, ang “Santa Run Philippines”, ay gaganapin sa Disyembre 8 sa ASEANA City sa Parañaque simula 4:00 a.m. Ang malilikom na pondo para sa 5-km na karera ay mapupunta sa Yes Pinoy Foundation sa pamumuno ni Dingdong Dantes.

Taon-taon ay tinitiyak ni German A. Panghulan na Chairman at CEO ng Corbridge Group na may tutulungan ang kanilang kompanya at napili nila ngayon ang Yes Pinoy at ang kanilang programang “I Am Super” na ang layunin ay mahanda ang mga mamayanan na harapin at lampasan ang mga kalamidad tulad ng bagyo at lindol.

Inaasahan na tatakbo rin si Dantes at ilang kapwa artista.

Lahat ng sasali ay tatanggap ng t-shirt at sombrero ni Santa Claus. Gagawaran ng medalya ang mga magtatapos sa loob ng isa at kalahating oras at may kasama pang mga pamaskong regalo buhat sa mga sponsor.

Maaring magpalista na sa www.runrio.com.

Ang Pasko ay panahon para ibahagi ang mga natamasang biyaya sa mga mas nangangailangan at tiyak makatutulong ng malaki ang patakbo sa mga proyekto ng Yes Pinoy. Ngayon pa lang, hindi malayo na maulit ang Santa Run sa 2020 dahil sa maagang magandang pagtanggap ng mga mananakbo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page