top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

VP Leni panay banat sa drug war, P-Digong napuno.. Mas matalino ka? ikaw na!

  • Mylene Alfonso
  • Oct 29, 2019
  • 1 min read

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na isuko ang kanyang kapangyarihan sa pagpapatupad ng batas para kay Vice-President Leni Robredo sa loob ng anim na buwan matapos ang mga naging kritisismo ng huli kaugnay sa war on drugs ng administrasyon.

Ayon sa Pangulo, magpapadala siya ng liham kay Robredo sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea upang ipabatid ang kanyang desisyon.

“I will surrender my powers to enforce the law. Ibigay ko sa vice-president. Ibigay ko sa kanya mga six months,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa panunumpa ng mga bagong talagang government officials sa Malacañang.

“Siya ang magdala. Tignan natin kung ano ang mangyari. Hindi ako makialam. Sige, gusto mo? Mas bright ka? Sige, ikaw. Subukan mo,” hamon pa ni Pangulong Duterte.

“Gusto ko lang malaman kung kaya niya. Marami kasing sinasalita i-redirect o anong pinagsasabi niya sa labas. Do it here. Six months,” wika pa ng Punong Ehekutibo sa panayam.

Batay sa Konstitusyon, tanging ang pangulo lamang ang may kontrol at superbisyon sa hanay ng pulisya at militar.

Habang ang vice-president ang magsisilbing constitutional successor sakaling mamatay, makaranas ng permanent disability, pagpapatalsik mula sa opisina o pagbibitiw ng isang pangulo ng bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page