top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sausage Kings at Tribes, nanumba sa CBA Pampanga

MC
Oct 29, 2019
1 min read

Mabalacat, Pampanga - Pinayuko ng Manila Sausage Kings ang Palayan City Capitals, 96-92 habang itinumba ng host Mabalacat Tribes ang Rizaba Patriots, 90-73 sa pagsisimula ng Community Basketball Association-Pilipinas Season 2 basketball tournament sa Bren Z. Guiao Convention Center noong Linggo.

Nagpasiklab sina Ken Tulipas, na gumawa ng 21 puntos at 8 rebounds sa 30 minuto ng aksyon at Badje Lescano, na nag-ambag ng 19 puntos mula 7-of-13 shooting, para sa Sausage Kings.

Isang 11-3 scoring run ang pinakawalan ng Sausage Kings sa huling mga minuto ng laro upang burahin ang 89-85 kalamangan ng Capitals at agawin ang panalo.

Nanguna si Renz Alcoriza para sa Palayan City sa kanyang 19 puntos at 5 rebounds, kasunod si Jayvee Ferreria na may 15 puntos at 7 rebounds.

Samantala, sumandal ang host Mabalacat sa mainit na mga kamay ni Jay Sierra upang biguin ang Rizaba Patriots sa ikalawan laro.

Nagpakitang-gilas si Sierra sa harap ng mga kababayan matapos gumawa ng game-high 28 puntos kasama pa ang 10 rebounds.

Nagdagdag si Jan Michael Ordona ng 15 puntos para sa Tribes na tuluyang umalagwa sa second at third quarters ng sagupaan na itinaguyod nina CBA president Carlo Maceda at consultant Pido Jarencio.

Para sa Patriots, namuno sina MJ Dela Virgen at Michael Villoria na kapwa nagtala ng 14 puntos.

Ang dalawang laro ay nagpasinaya sa 2nd season ng CBA na itinuturing ding liga ng lahing Pilipino. Una rito, nag-kampeon ang San Juan Knights sa first season.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page