Raket, raket din ‘pag may time! Mga puwedeng pagkakitaan kapag undas
- BULGAR

- Oct 29, 2019
- 1 min read

Palapit na nang palapit ang Undas kaya for sure, dagsa na naman ang mga tao sa sementeryo. Gayunman, bakit hindi natin sabayan ng konting raket? Para sa mga gustong magkaroon ng extra income r’yan, narito ang ilang puwedeng pagkakitaan ngayong Undas:
1. PAGBEBENTA NG BULAKLAK. Hinding-hindi ito nawawala na kadalasang nagmamahal tuwing ganitong panahon. Hindi mo na kailangang magrenta ng puwesto para magbenta dahil puwede kang mag-buy-and-sell sa mga kakilala o kamag-anak mo.
2. SEPULTURERO. Siguradong marami nang nagsisimulang maglinis ng nitso ng kanilang mga mahal sa buhay ay meron ding nagpapalinis na lang.
Mga bes, kung gipit na gipit ka na, try mo ‘to dahil ang kailangan mo lang ay mga gamit-panlinis at lakas ng loob. He-he-he!
3. PAGGAWA NG HALLOWEEN DECORS. Kaliwa’t kanan na rin ang mga Halloween Party kung saan maraming nangangailangan ng gagawa ng dekorasyon para rito. Gayundin, may mga establisimyento at opisina ang naghahanap ng puwedeng mag-design kaya mga bes, it’s time para maging artsy at rumaket.
4. MAGTINDA SA SEMENTERYO. Magbenta ng mga pagkain at pantawid-uhaw sa sementeryo dahil siguradong may bibili sa iyo. Kailangan mo lang ng diskarte at tiyaga para makabenta.
5. MAGTINDA NG HALLOWEEN ACCESSORIES. Maskara? Costumes? Keri mong ibenta ang mga ‘yan, lalo na ngayong maraming sumasali sa mga costume party, partikular ang mga bagets. Konting puhunan lang dahil siguradong mabenta ito.
Oh mga besh, huwag nating hayaan na lumipas lang ang Undas dahil puwede tayong kumita rito. May alam ka pa bang pagkakakitaan bukod sa mga nabanggit? Gawin mo na! Okie?





Comments