top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para sa paggunita ng Undas.. Mga pasahero, dagsa na sa mga daungan

  • Mylene Alfonso
  • Oct 29, 2019
  • 1 min read

Nasa 30,000 pasahero ang dumagsa sa mga daungan para umuwi sa mga lalawigan sa paggunita ng Undas.

Ito ang naging pagtaya ng Philippine Coast Guard kung saan nakahanda na ang lahat ng kanilang units para sa kanilang “Operation Undas”.

Nagsagawa ng send-off ceremony ang PCG para sa kanilang mga personnel na ide-deploy para sa Undas.

Pinangunahan ni PCG Commandant Vice-Admiral Joel Garcia, ang aktibidad sa national headquarters ng PCG sa Maynila kung saan ipinakita rin ang mga assets na gagamitin sa pagbabantay at pag-monitor ng PCG ngayong panahon ng Undas.

Ani Garcia, ang mga ide-deploy ay mga tauhan ng PCG Bomb Squad, medical units na kinabibilangan ng mga doktor at nurse, diver ng Special Operations Group at mga K-9 unit.

Mayroon ding sea marshalls na sasakay mismo sa mga sasakyang-pandagat na magbabantay at magsisilbing-tenga ng PCG sa panahon ng emergency sa mga pantalan na maaari umanong makipag-ugnayan sa PCG sa numerong 09177243682.

Samantala, sinabi ni Garcia na mahigpit na ipatutupad ang MARINA Circular tungkol sa disenyo ng wooden-hulled motorized bancas para sa kaligtasan ng mga biyahero. Higit sa lahat, ipinagbabawal ang overloading at overcrowding sa mga sasakyang-pandagat.

Kabilang sa bulto ng mga pasahero ay nanggaling sa Central Visayas (Cebu, Bohol, Southern Cebu at Camotes Island) na may 9,448 pasahero; Southern Tagalog 5,256 pasahero at Western Visayas 4,478 passengers at sa iba pang mga daungan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page