P50 thou at 5 yrs. kulong sa beterinaryong gumamit ng ipinawalam-bisang lisensiya
Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung ano ang parusa sa beterinaryong patuloy na gumagamit ng pinawalambisa o revoked na lisensiya? — Sally
Dear Sally, Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act 9268, o mas kilala sa tawag na The Philippine Veterinary Medicine Act of 2004. Nakasaad sa Section 33 f at h nito na:
“Section 33. Penal Provision. The following persons shall be punished:
(f) Any person who shall attempt to use a revoked or suspended Certificate of Registration or any invalid or expired Professional Identification Card or a cancelled special permit.” (Binigyang-diin)
xxx
(h) Any person who violates any provisions of this Act and its rules and regulations shall, upon conviction, be punished by a fine of not less than fifty thousand pesos (P50,000) nor more than one hundred thousand pesos (P100,000) or by imprisonment of not less than one (1) year nor more than five (5) years, or both fine and imprisonment xxx.” (Binigyang-diin)
Ayon sa nasabing batas, ang sinumang gumamit ng pinawalambisa o revoked na certificate of registration o lisensiya ay maaaring maparusahan ng pagkakakulong ng isang taon hanggang limang taon at/o pagbayarin ng multa na nagkakahalagang P50,000 hanggang P100,000.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments