OFW niratrat, utas

Binaril hanggang sa mapatay habang nasa loob ng kanyang sasakyan ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Sitio Burol, Pambisang Malaki, Pinamalayan, Oriental Mindoro.
Kinilala ang biktima na si Ronnie Dimalibot Mojado, residente ng Bgy. Inclanay.
Batay sa paunang impormasyon, madaling-araw ng Lunes nang matagpuan si Mojado na walang buhay sa kanyang kotse at tadtad ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.
Mabilis na tumakas ang mga hindi nakilalang suspek matapos ang krimen.
Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang motibo at nasa likod ng pagpatay sa OFW.





Comments