Negang-nega mula kay Bea hanggang sa away ng mga Barretto… TV commercials ni Julia, tinanggal na
- Mercy Lejarde
- Oct 29, 2019
- 1 min read

Photo: @BarrettoJulia
Ilang televiewers naman ang nakapansin na ‘di na nila napapanood sa mundo ng telebisyon ang mga nagawang TV commercials ni Julia Barretto after itong ma-link-romantically kay Gerald Anderson na nag-ghosting sa syota niyang si Bea Alonzo.
Ang ka-tandem na lang daw ni Julia B. na si Joshua Garcia ang natira sa TV commercial nila ng Jollibee at si Maja Salvador na ang may solo commercial ng Jollibee sa ngayon.
Tipong ‘di na raw napapanood ang TV commercials ni JB ng skin whitening, shampoo at iba products na ini-endorse niya.
Well, siguro, may contract na bawal ang mga negatibong pag-uulat sa mga commercial endorsers.
Pero may nakita pa naman kaming billboard ni Julia regarding vision kung saan kasama niya si Joshua, in pernes.





Comments