top of page

Mga dapat gawin para maiwasang magkasingaw

  • Shane M. Ludovice, M.D
  • Oct 29, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane, Palagi akong nagkakaroon ng singaw sa hindi ko malamang dahilan. Ang sabi ng nanay ko ay lagyan ko raw ng tawas para gumaling. Totoo bang nakaaalis ng singaw ang tawas? — Joan

Sagot Ang singaw o mouth sores ay kondisyon kung saan may bahagi ng bibig ang nagiging mahapdi. Ito ay maaaring matagpuan sa gilagid, likod ng labi, dila at iba pang bahagi ng bibig. Karaniwan itong hugis bilog na bahagyang malalim at maaaring mas maputi ang kulay kung ikukumpara sa mapulang bahagi ng bibig.

Ang singaw ay maaaring sanhi ng pagkakagat ng sariling dila o labi o anumang iritasyon sa bibig tulad ng pagkatusok ng pagkain tulad ng buto ng isda, pagkapaso mula sa mainit na inumin o pagkain o masyadong marahas na pagsesepilyo. Maaari ring dahilan ang mga impeksiyon tulad ng Herpes Simplex Virus o gamot tulad ng Aspirin.

Totoong nakapagpapabuti ang tawas sa singaw. Bagama’t, walang sapat na pag-aaral tungkol dito, ito ay epektibo sa pagpapabilis ng paghilom ng singaw sa bibig.

Narito ang mga dapat gawin upang maiwasang magkaroon ng singaw:

  • Pagmumog ng tubig na may asin (saline solution).

  • Iwasan ang mga maiinit na pagkain at inumin, gayundin ang mga maaanghang at maaasim na pagkain.

  • Para sa mga malalalang kaso, makabubuti ang paglalagay ng fluocinonide gel, anti-inflammatory amlexanox paste o chlorhexidine gluconate na pangmumog.

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page