top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Iba’t ibang style ng akyat-bahay gang ngayong undas, alamin!

Jun R. Guillermo
Oct 29, 2019
2 min read

Tatlong araw na lang at gugunitain na naman natin ang Undas kung saan marami sa atin ang pupunta sa mga sementeryo para mag-alay ng panalangin sa mga yumaong mahal sa buhay. Taun-taon natin itong ginagawa kaya taun-taon ding may nangyayaring insidente ng pagnanakaw sa mga bahay-bahay na minamatyagan ng mga kawatan para looban ang nakursunadahang bahay na walang tao.

Narito ang ilan sa mga modus ng mga demonyong ito:

1. Nagmamanman ang mga kawatan sa bahay na walang tao. Kapag positibong walang tao, ang dalang improvised na susi ang gagamitin ng mga hinayupak para mabuksan ang pinto o distrungkahin ang bintana para makapasok at kulimbatin ang lahat ng mahahalagang gamit ng biktima. Kaya kung pupunta kayo, mga ka-BULGAR, sa sementeryo, tiyaking may maiiwang tao sa inyong bahay para may magbantay.

2. Tulad ng dating gawi, ipagbilin sa inyong pinagkakatiwalaang kapitbahay ang inyong tahanan sakaling wala talagang maiiwan, lalo na kapag may napansing mga taong aali-aligid sa inyong bahay.

3. Buksan ang isa ninyong ilaw sa labas o sa salas para isipin ng mga kawatan na may tao sa loob ng bahay.

4. Huwag na huwag ninyong iiwanan ang inyong bahay na tahimik, buksan ninyo ang inyong radyo o gadget na maaaring mag-ingay na maririnig hanggang sa labas para isipin ng mga kawatan na may tao sa loob.

5. Tiyaking ang mga appliance ninyo ay hindi nakapuwesto sa tabi ng bintana na puwedeng manakaw ng mga kawatan na nagpapanggap na ipinagbilin kuno sa (mga) suspek ang inyong bahay.

6. May mga pagkakataon na nagpapanggap pang kamag-anak ang mga kawatan para makapasok sa loob ng bahay gamit ang improvised na susi o picklock.

Kaya mga ka-BULGAR, ibinabahagi natin ang maaaring mangyari sa inyo para maturuan kayo at mabigyan ng babala sakaling maligaw ang mga demonyong kawatan na namemerhuwisyo ngayong Undas. Sila ang mga Akyat-Bahay Gang, pwe!

Ikaw kaibigan, ano'ng sey mo?

Palaging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko! Mas ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page