top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Eustaquio, inspirado sa pagsabak sa ONE: Fate

  • Gerard Arce
  • Oct 29, 2019
  • 1 min read

Puntirya ni ONE world champion Geje “Gravity” Eustaquio na makuha ang isang malinaw na panalo bago matapos ang taon – gayundin ang makahugot ng inspirasyon sa kapwa Team Lakay member – sa muling pagsabak nito sa ONE: Masters of Fate sa Nob. 8 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Muling masusubukan ang kakayahan ni Eustaquio (12-8) laban kay Toni “Dynamite” Tauru (11-7) ng Finland na tumalo sa kanya noong Dis. 2, 2016 sa ONE: Age of Domination sa pamamagitan ng rear naked choke at kasalukuyang may 3-game losing streak.

Galing din sa pagkatalo sa nakalipas na laban mula sa isang knockout defeat ay si Yuya Wakamatsu sa ONE: Dawn of Heroes, susubukang kumuha ng inspirasyon ni Eustaquio mula kay dating Lightweight champion Eduard “Landslide” Folayang na patuloy pa ring lumalaban kahit na nadarapa. “Tinitingnan ko si Kuya Eduard, patuloy pa rin siyang lumalaban and still wants more,” pahayag ni Eustaquio. “Gusto kong makabawi at muling makabalik sa winning circle bago matapos iyong taon,” dagdag nito.

Nais ni Eustaquio na makabawi kay Tauru sa susunod na laban dahil nakikita nito na humina na na ito lalo na sa kanyang lakas at puwersa, samantalang magtatapat sila sa mas mababang dibisyon sa Flyweight category. “Based on what I watched the last time, he’s still getting used to this division. His strength and power has suffered,” wika ni Eustaquio. ”I’m in a much more favorable position because way back in 2016, we fought in the bantamweight division, this time, it’s in the flyweight division,” dagdag nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page