Dahil sa panibagong problema sa suplay — P-Du30.. Water concessionaires, lagot
- Mylene Alfonso
- Oct 29, 2019
- 1 min read

Nagbanta ang Malacañang na posibleng makansela ang “concessionaire agreement” ng Maynilad at Manila Water sa gitna ng panibagong problema sa suplay ng tubig na nararanasan ng mga taga-Metro Manila.
“I suppose the fact that they have not undertaken corrective measures that will prevent the evolution of this upcoming crisis again would be a factor that would make the president decide on drastic action against them,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo.
Nais ding malaman ng gobyerno kung anu-anong mga hakbang ang ipinatupad ng dalawang water concessionaires mula noong Marso kung kailan unang nakaranas ng kakapusan sa supply ng tubig ang Kalakhang Maynila.
Giit ni Panelo, sakaling napatunayang walang paraang ginawa ang dalawang water concessionaires kahit pa may nakikitang kakapusan sa suplay sa hinaharap, maaaring magpatupad ng mabigat na aksiyon ang Pangulo.
“If indeed they have not done anything despite the fact that there was a crisis before and now it is being repeated again, then the President may consider that factor,” wika pa ni Panelo.
Kaugnay nito, bukas naman ang Palasyo na ikonsidera ang panukalang water purifying sa Laguna de Bay.
Sinabi ni Panelo na pag-aaralan ng gobyerno ang lahat ng opsiyon para maresolba ang problema sa water shortage.
“Well, if it comes to that, the government may consider that,” dagdag pa ni Panelo.





Comments