top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Cayetano, naisahan si Velasco, hindi na makakaupong speaker of the house

  • Pabs Hernandez III
  • Oct 29, 2019
  • 2 min read

P-DUTERTE AT CONG. VELASCO, ‘NAISAHAN’ NI SPEAKER CAYETANO —Sa labanang Speakership noon, dahil liyamado sa laban si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, mayorya ng kongresista ay kapartido niya sa PDP-Laban, nakiusap si Nacionalista Party (NP), Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano kay P-Duterte na mag-term sharing sila ni Cong. Velasco at siya (Cayetano) ang maunang maupong Speaker na sinang-ayunan naman ng pangulo.

Ito na ang siste, kahapon, ang sabi ni Speaker Cayetano, handa raw niyang tapusin ang kanyang pagiging Speaker hanggang June 30, 2022 na parang sinabi na rin niyang si Cong. Velasco na ang “maghabol sa tambol-mayor.”

Sa isyung ito, malinaw na “naisahan” ni Speaker Cayetano sa isyung term sharing sina P-Duterte at Cong. Velasco, boom!

◘◘◘

NOONG PANAHON NI GEN. ELEAZAR, GOOD ANG NCRPO, PERO NGAYONG PANAHON NI GEN. SINAS, NAGING BAD—Noong panahon ni PNP-Directorial Staff, Chief Gen. Guillermo Eleazar bilang NCRPO director noon, sangkaterbang “Ninja Cops”, “Kotong Cops”, “tutulug-tulog” at “scalawag cops” ang sinibak nito — na dapat, ang diskarteng ‘yan ang tinularan ni newly-appointed NCRPO Director Gen. Debold Sinas, pero hindi, dahil imbes na sibakin ang 16 pulis na nasangkot sa pang-iismagel ng mga kontrabandong cellphones, alak at yosi sa Bilibid ay ipinagtanggol pa niya ang mga ito na kesyo hindi naman daw naipasok sa Pambansang Piitan ang mga epektos.

Hay naku, ang ganda ng image ng NCRPO noong panahon ni Gen. Eleazar, tapos biglang bumantot ngayong panahon ni Gen. Sinas, buwisit!

◘◘◘

“SHERWIN”, TAGA-CUSTOMS NA, MAY RAKET PANG LOTTENG SA CALOOCAN CITY—Isang taga-Customs na kilala sa tawag na “Sherwin” ang may raket daw na “lotteng” sa bukid area ng Caloocan City.

Paging Ombudsman Samuel Martires, paki-lifestyle check nga si “Sherwin” dahil baka ang dami na nitong hidden wealth kasi taga-Customs na, tapos may pa-lotteng pa siya, boom!

◘◘◘

“TARA COLLECTIONS” SA CUSTOMS, MILYONES NA WEEKLY—Nahulihan daw ng Philippine Coast Guard ng P4 milyon “tara” collection ang “tara” collector na si “Bebot” na “bata” raw ng isang opisyal ng Bureau of Customs.

Kung totoo ito, aba, grabe na pala sa laki ang “tara” collection ngayon sa Customs kasi dati ay daang-libong piso lang weekly, pero ngayon ay milyones na, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page