Bagong kaso ng polio, naitala
- Madel Moratillo
- Oct 29, 2019
- 1 min read

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon ng pangatlong kaso ng polio sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang ikatlong polio case ay isang apat na taong gulang na batang babae mula sa Datu Piang sa Maguindanao at hindi napatakan ng anumang dosis ng oral polio vaccine (OPV).
Ang pasyente ay naunang napaulat na may kaso ng acute flaccid paralysis (AFP) noong September 26, 2019, makaraang magpakonsulta sa The Cotabato Regional Medical Center.
Ang mga sintomas nito ay lagnat, diarrhea, pagsusuka at muscle pain.
Pero noong October 24, ang stool samples na ipinadala sa National Institute of Infectious Diseases-Japan ay nagpositibo sa vaccine-derived poliovirus 2 (VDPV2).
Iniuugnay din ito sa confirmed polio case sa Morogong, Lanao del Sur.
Samantala, ang samples mula sa isa pang suspected case ay sumasailalim na sa testing at naghihintay na lamang ng resulta at confirmation.





Comments