After magsalita ni Atong Ang… Barretto sisters, ceasefire na!
- Vinia Vivar
- Oct 29, 2019
- 1 min read

Photo: @marjbarretto (right)
Tahimik na ngayon ang Barretto Family at wala nang bagong pasabog matapos ang interview ni Atong Ang sa TV Patrol last weekend.
Aktibo pa rin sila sa social media at maya’t maya nga ay may bagong post sina Gretchen, Julia, Marjorie and Claudine, pero at least ay wala na silang parinigan at siraan sa isa’t isa na ipino-post.
Si Gretchen ay nasa US pa rin kapiling ang anak na si Dominique at panay ang post ng kanyang luxurious lifestyle roon.
Latest post naman ni Claudine ay photos with friends having late lunch.
Si Marjorie ay nag-post ng mga larawan kasama ang pamangkin na si Nicole at ang kanilang ina na si Inday Barretto. Makikita rin sa larawan si Dani Barretto at ang baby nito and some members of the family.
Makikita rin sa mga photos na nagkakatuwaan sila with Mommy Inday habang nasa bahay.
“There are good days, and there are bad days... yesterday was good. Thank you Lord,” caption ni Marjorie.
At least ay kalmado na ang lahat ngayon at ikinatutuwa ito ng mga kaibigan nila sa showbiz. Dasal nila na sana, ang sumunod na rito ay pagkakapatawaran ng magkakapatid at pagkakaayus-ayos.





Comments