57-anyos na mountain climber, dedo sa Mt. Apo
- Jeff Tumbado
- Oct 29, 2019
- 1 min read

Nasawi ang isang mountain climber makaraang atakehin sa puso sa kalagitnaan ng pag-akyat nito sa makasaysayang bundok ng Apo o Mt. Apo sa Makilala, North Cotabato, kamakalawa.
Nakilala ang nasawi na si Joel Lape, 57, residente ng Davao City.
Nabatid kay Police Major Arniel Milocotones, bandang alas-3:00 ng hapon ng Linggo nang bigla umanong himatayin si Lape habang umaakyat sa Mt. Apo gamit ang Makilala Trail sa Bgy. New Israel.
Sinubukan pa umanong bigyan ng CPR si Lape pero, tuluyan na itong binawian ng buhay.
Naibaba ang bangkay ni Lape sa tulong na rin ng rescue team.
Sinasabing kasama sa mountain trekking ng biktima ang kanyang anak at 20 iba pang mountain climbers.





Comments