top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

VP Leni, traydor sa bayan, P-Digong sinisiraan abroad

  • Bobi Tiglao
  • Oct 28, 2019
  • 3 min read

Nakarinig na naman tayo ng kapalpakan mula kay VP Leni Robredo. Ngayon, sinasabi niyang hindi raw naging matagumpay ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ano raw? Nakatira ba siya sa ilalim ng bato? Alam ba niyang malaking porsiyento ng mga Pinoy ay aprub o suportado ang war on drugs ng gobyerno?

Nagpapakita ito na nararamdaman ng taumbayan ang magandang epekto nito sa lipunan tulad na lamang ng malaking kabawasan ng krimen sa lansangan.

At ang talo o hindi sumasang-ayon lamang dito ay ang mga drug lord, pusher, adik at iba pang sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga sa bansa. Sa sinasabi ng VP ng dilawan, tila kinakampihan nito ang mga kriminal.

Ayaw maniwala ni VP Leni na daanlibo na drug personalities na ang naaresto sa ilalim ng Oplan Tokhang at iba pang programa ng PNP (Philippine National Police).

Kabilang si VP Leni sa kasalukuyang gobyerno pero, bakit tila sinisiraan niya ito? Bakit hindi na lang siya mag-resign nang maibigay sa iba na mas magtatrabaho o tunay na may malasakit ang kanyang puwesto at hindi ‘yung puro siya reklamo, wala naman siyang nagagawang tama?

Ang mga personalidad na sangkot sa droga ay mga armado kaya kapag nahuhuli ang mga ito ay nakikipagbarilan o nanlalaban, kaya hindi nakapagtatakang nasa 5,500 ang napatay sa mga operasyon mula nang inumpisahan ang war on drugs noong 2016.

Pero kung iisipin, mula nang pumasok ang administrasyong Duterte, bumagsak nang husto ang bilang ng mga krimen sa bansa.

Noong isang taon, bumaba ng 30 porsiyento ang bilang ng mga karumal-dumal na krimen tulad ng murder, homicide, robbery, rape at iba pa.

Sa Metro Manila, tumataginting na 60 porsiyento ang ibinagsak ng bilang ng krimen sa loob lamang ng tatlong taon ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon sa kapulisan, lumaki raw ang tiwala ng taumbayan sa mga awtoridad kaya mas marami na ang nagre-report ng mga krimen na kanilang nasaksihan.

Kung ang ordinaryong mamamayan ay malaki ang tiwala sa gobyernong Duterte, bakit si VP Leni ay walang tiwala? Pamomolitika lang ba ang alam niyang gawin?

Malamang ay kabado pa rin si VP Leni dahil patuloy ang pagdinig sa election protest ni ex-Sen. “Bongbong” Marcos. Hanggang ngayon ay sinusuri ng Presidential Electoral Tribunal ang kasong isinampa ng dating senador na election fraud at vote tampering sa mga probinsiya sa Mindanao at iba pang lugar.

Masasabi nating iba nang mag-isip ang mga Pinoy ngayon. Nakikita na nila ang progreso sa paligid tulad ng sunud-sunod na konstruksiyon ng mga highway, tren at iba pang bagong kalsada kaya mas gusto nilang nakikita ang kooperasyon sa gobyerno.

Nakita naman natin kung gaano binanatan nang husto si Sen. Grace Poe ng netizens matapos niyang harangin (ilang taon na niyang ginagawa ito) ang hiling ng administrasyon para sa emergency powers para sa trapiko.

Sa pagkadismaya ni P-Duterte, sinabi niyang hindi na nila hihingin ang emergency powers. Gagawin na lang ng gobyerno ang lahat ng magagawa nito hanggang sa matapos ang termino ni P-Duterte, ayon sa mga opisyal ng DOTr at DPWH.

Kung tinulungan o nakisama lang ang senadora sa pangulo, baka umangat pa ang rating niya sa mga survey.

Sa huli, wala na talaga tayong maaasahan kay VP Leni, wala itong alam gawin kundi ang batikusin at mag-astang faultfinder sa mga ginagawa ng pangulo. Walang kuwenta ang mga ganyang tao. Tsk!

Nagpapakalat lang ito at ang iba pang kampon ng dilawan ng mga “fake news” tulad na lang ng 7,000 raw ang napatay sa mga EJK.

Aba, kung ganito karami ang napapatay, dapat pula na ang kulay ng kalye sa Metro Manila!

Ang masaklap at nakadidismaya, sa ibang bansa pinasabog ni VP Leni ang kanyang mga kasinungalingan. Hindi ba, traydor ang tawag sa mga ganyan?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page