top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Ubas at Knott, naka-gold sa athletics test event

MC
Oct 28, 2019
2 min read

Nagpamalas ng kahandaan sina sprinter Kristina Knott, long jumper Janry Ubas at ang bata na si Hocket Delos Santos para sa inaasam na gintong medalya ng Pilipinas sa iho-host nito na ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games matapos magtala ng impresibong panalo sa isinasagawang Test Event sa New Clark City.

Nagwagi ng gintong medalya si Knott sa 200m women, si Ubas sa long jump at si Delos Santos sa pole vault upang pangunahan ang pambansang koponan na nagsisilbi na panghuling torneo para madetermina ang mga bubuo sa 62 atleta na isasabak nito sa isa sa dalawang centerpiece sports na athletics. Nagtala si Knott ng 24.42 segundo sa paborito nitong 200m upang talunin ang kababayan na si Kayla Richardson na nagtala ng 26.18 segundo habang ikatlo si Mahisin Maziah ng Brunei (27.02s).

Aminado si Knott na mabagal ang kanyang oras sa personal best na 23.23 segundo bagaman umaasa ito na mas mapapabilis pa ang tiyempo sa kanyang pagkukumpleto sa pagsasanay isang buwan pa ang natitira bago ang aktuwal na kompetisyon na gagawin sa mismong bagong gawa na New Clark City.

“I consider it a good time since this is just a test event. I have something to work on in the lat few days before the SEA Games so I can contribute to the team come the competition time,” sabi ni Knott.

Nagawa namang itala ni Ubas ang pinakamalayo na 7.52 metro sa men’s long jump upang sementuhin ang kanyang silya sa pambansang koponan. Tinalo ni Ubas ang mga kakampi na sina Aries Toledo na nagkasya sa pilak (7.49m) at Algin Gomez na iniuwi ang tanso (6.83m).

Si Ubas, na may 7.88 metro na personal best, ang isa sa inaasahan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na makakapagbigay ng gintong medalya sa koponan ng athletics.

Nagpakita ng kakayanan ang 2017 SEAG pole vault silver medalist na si Patsapong Amsamang mula sa Thailand ng kanyang kakayanan para hamunin sa gintong medalya ang unang Pilipinong nakapagkuwalpika sa 2020 Tokyo Olympics na si Ernest John Obiena.

Nagtala si Patsapong ng 5.50 metro upang agawin ang ginto sa kababayan na si 2017 SEA Games gold medalist na si Porranot Purahong na nagkasya lang sa 5.20 metro. Ang tansong medalya ay iniuwi ni Hokket Delos Santos sa pagtatala ng personal best nito na 4.80 metro para siguruhin ang kanyang silya sa pambanang koponan. Dati nang 4.20 ang record ni Delos Santos.

Wagi rin sa women’s hammer throw ang Thai na si Panwat Gimasrang sa itinalang 52.59m metro habang pilak sina Aira Teodosio (46.04) at ikatlo si Insaeng Subenrat ng Thailand (30.57m).

Pumangalawa si Francis Medina sa 400m hurdles men sa 51.66 oras sa nagwagi na si Edwin Halomoan ng Indonesia (51.35s). Ikatlo si Wei Bin Owyeong ng Singapore.

Nagkasya ang PH Men at Women’s 4x400m relay sa tansong medalya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page