top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Tokyo Olympics: Dagdag puntos kay Watanabe para makuwalipika

  • Gerard Arce
  • Oct 28, 2019
  • 1 min read

Kinakailangan pang madagdagan ang puntos ni 2018 Asian Games silver medalist Filipino-Japanese judoka Kiyomi Watanabe upang makapag-qualified ito ng direkta sa 2020 Tokyo Olympics.

Sa panibagong inilabas na listahan ng International Judo Federation (IJF), nalaglag sa ika-30th place ang 23-anyos na si Watanabe na may 1030 points mula sa 24th place nito noong mga nagdaang buwan sa half-middleweight (-63kgs) category.

Gayunpaman, kung sa technical na aspeto ang pag-uusapan, pasok pa rin si Watanabe sa quadrennial meet dahil pasok ito sa Continental Quota dahil mataas ang posisyon nito sa rehiyon ng Asya. Kinakailangang maiangat muli ni Watanabe ang kanyang posisyon sa pagsabak sa ilan pang pandaigdigang kompetisyon hanggang May 30, 2020 upang hindi masayang ang CQ nito at maaaring maipamahagi sa iba pang Filipino judoka na mataas ang rankings sa Asya.

Ayon sa Summer Olympics qualification, ang top 18 na judoka sa bawat division ay direktang pasok na sa 2020 Olympics, ngunit nais kimitahan ng National Olympic Committee (NOC) ang isang judoka bawat division. Kung sino ang mas mataas na ranking sa isang bansa ang siyang ilalagay rito. Ibabahagi naman ang CQ sa tig-10 babae at lalaki lamang bawat rehiyon sa Asya.

Sa ngayon ay mayroon ng 29 manlalaro ang qualified sa Tokyo, Olympics at kung sakaling makapasok si Watanabe ay maaring ang pinakamalapit na makakuha ng CQ para sa Pilipinas ay si lightweight (-57kgs) division contender at Filipino-Japanese Rena Furukawa na nasa 94th spot na may 160 points. Malayong sumusunod sa kanya si 2017 SEA Games gold medalist at middleweight (-70kgs) Mariya Takahashi na nasa 135th place na may 30 points lamang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page