top of page

Simulan mo na ngayon, beshy! Mga dapat paghandaan tuwing pasko

  • Twincle Esquierdo
  • Oct 28, 2019
  • 2 min read

Ipinagdiriwang natin ang Pasko dahil sa paniniwalang ito ang araw ng kapanganakan ni Kristo. Ngayong nalalapit na ito, siguradong hindi maiiwasan ang mga inaanak at pamangkin natin na naghahanda na rin para mamasko. Ha-ha-ha!

At siyempre, para hindi waley o pass ang isasagot natin, dapat itong paghandaan. Bukod sa mga regalo, handa at marami pang iba, anu-ano pa ang dapat nating paghandaan?

1. REGALO SA MGA INAANAK. Tinatawag na PDIC o Palaging Dinudungaw at Inaalala ‘pag Christmas ang mga ninong at ninang ng mga inaanak na nagpaparamdam at nagpapakabait tuwing Pasko. Charot! Gayunman, sa pagbibigay ng regalo, siguraduhin na ang ibibigay n’yo ay mapakikinabangan ng inyong inaanak at hindi ng kanilang magulang.

2. IPAAALALA NA KABILANG KA PA RIN SA SMP. Maraming nalulungkot kapag ipinaaalala sa kanila na member sila ng SMP o Samahan ng Malalamig ang Pasko. Awww! Sa totoo lang, mga bes, hindi kayo dapat malungkot kung wala ka pang dyowa dahil hindi mo kailangan nu’n para sumaya. Sa ngayon, maging happy ka muna kasama ang pamilya at mga kaibigan mo.

3. AMBAG SA NOCHE BUENA. Minsan, ito ang pinagtatalunan ng iba dahil pagdating sa ambagan sa panghanda sa noche buena, nagkakaturuan na. Hays! Beshies, natural lang na mag-ambagan para may ipanghanda, pero kung nag-ambag ka nang masama ang loob mo, huwag na lang dahil baka sumakit pa ang tiyan ng mga makakakain ng handa n’yo. Char! Tandaan, masarap magsalu-salo kasama ang pamilya.

4. MGA MAGPAPALIBRE SA ‘YO. Dahil alam nilang may trabaho ka at may 13th month pay ka, may magpapalibre sa‘yo. Oks lang na manlibre ka, pero sa abot lang ng iyong makakaya dahil baka kapag sumobra, maaabuso ka at ang ending, nganga na. Kaya bes, hinay-hinay lang sa paggastos dahil ‘ika nga nila, huwag ubus-ubos.

5. MALALANG TRAFFIC. Anumang panahon at kahit saan, hindi na nawala ang traffic kaya paano pa ngayong Holiday Season? Siguradong lalala ang trapiko, lalo na sa mga lugar na palaging dinadagsa kapag shopping season tulad ng Divisoria, Taytay, Quiapo at Baclaran. Hay, naku!

Mga ka-Bulgar, ilan lamang ang mga ito sa mga dapat n’yong paghandaan sa nalalapit na kapaskuhan. Gayundin, mabuting simulan na ang pag-iipon para mapaghandaan ang gastusan.

Tandaan, sina ninong at ninang ay hindi lang basta hinihingan ng regalo o aginaldo tuwing Pasko dahil ang totoo nilang responsibilidad ay maging ikalawang magulang na gagabay sa kanilang mga inaanak. Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page