Pinatitigil sa todo-pa-sexy, dedma… Bianca, ayaw magpakontrol kay Ruru
- Nitz Miralles
- Oct 28, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Komento ni Ruru Madrid after ng dance number ni Bianca Umali sa Sunday PinaSaya ay “Nahilo ako.” Hindi nag-elaborate si Ruru kung saan siya nahilo, kung sa astig na dance number ba ni Bianca o sa sexy outfit nito.
Maaalalang nag-comment din si Ruru ng “Stop” sa unang post ni Bianca na parang string bikini ang suot, pero dahil nakaupo, hindi masyadong nakita ang kariktan ng dalaga.
Gusto yatang patigilin ni Ruru si Bianca sa pagpo-post ng sexy photos, kaya lang, mukhang hindi siya sinunod ng aktres dahil sunud-sunod ang posts nito at sinundan pa ng sexy numbers with sexy costume.
Pero kahit nahilo, nakapag-promote pa rin si Ruru ng movie nila ni Jasmine Curtis-Smith na Cara X Jagger na showing sa November 6. Kakaibang love story ito sa direksiyon ni Ice Idanan tungkol sa ex-couple na ang isa (si Cara), gustong kalimutan ang masakit na nangyari sa buhay niya na sumira sa relasyon nila ni Jagger (Ruru). Si Jagger naman, pilit na inaalala ang kanyang nakaraan after mawala ang memories dahil sa aksidente. Malalaman ng mga viewers kung ano’ng klaseng aksidente after mapanood ang movie.
Anyway, magkakaroon ng premiere night sa Nov. 5 sa SM Megamall ang Cara X Jagger na hindi kami magugulat kung isama ni Jasmine ang BF niyang si Regional Director for Tourism Jeff Ortega. Proud BF si Jeff sa GF na si Jasmine at open ang relasyon nilang dalawa.
Let’s wait kung sino ang isasama ni Ruru sa premiere night.





Comments