Mga opisina ng Gobyerno, iisa lang ang sinusunod na oras
Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung iisa ba ang sinusunod na oras ng mga opisina ng gobyerno? — Lalaine
Dear Lalaine, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Section 2 ng Republic Act No. 10535 o mas kilala sa tawag na “The Philippine Standard Time Act of 2013” at ng Implementing Rules and Regulations (IRR) nito kung saan nakasaad na:
“Section 2. Display of the Philippine Standard Time. – All national and local government offices shall display the Philippine Standard Time (PST) on their official time devices, including bundy clocks, in accordance with the official time being provided by the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) using its network time protocol. All of these offices shall coordinate, at least once a month, with the PAGASA to synchronize their timepieces and devices.”
Samakatwid, ang mga opisina ng gobyerno ay iisa lamang ang sinusunod na oras at ito ay base sa tinatawag na Philippine Standard Time (PST). Alinsunod ito sa opisyal na oras mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments