top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kelot natulog, sinilaban ng mga katoma

Jeff Tumbado
Oct 28, 2019
1 min read

Dala umano ng sobrang kalasingan kaya napagtripan ng grupo na silaban ang isang lalaki na kanilang kainuman sa Davao City, kamakalawa.

Nalapnos ang likurang bahagi ng katawan ng biktimang si William Chiong, 29, dahil sa mistulang nagdingas ng apoy ang mga suspek gamit ang tuyong mga dahon at plastic sa likod nito.

Ayon kay Toril Police Station Commander Lt. Col. Jed Clamor, nangyari ang insidente sa Bgy. Bangkas Heights pasado alas-10:00 ng gabi ng Sabado habang nag-iinuman ang biktima at ilang lalaking kainuman nito na kanyang mga kapitbahay.

Sa imbestigasyon, iniwan ng biktima ang inuman at nagtungo sa ilalim ng puno at doon nakatulog dahil sa kalasingan.

Gayunman, napagtripan itong gisingin ng mga lasing na suspek sa pamamagitan ng pagsilab sa damit nito gamit ang dahon ng niyog at mga plastik pero hindi agad nagising si Chiong kaya lumaki ang apoy dahilan para malapnos ang balat nito na umabot sa 3rd degree burns.

Dinala sa pagamutan si Chiong at nagsususuka umano ito habang ginagamot sa tinamong pinsala ng pagkasunog. Pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek kaugnay sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page