2 tulak utas sa pulis

Patay ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Bgy. Sta. Ana, San Pablo City, Laguna.
Alas-12:50 ng tanghali nang ikinasa ng mga awtoridad ang nasabing operasyon laban sa mga suspek na sina Duo Allan Saniel at Lloyd de Chavez, kapwa nasa hustong gulang.
Nakatunog umano ang dalawa na mga police asset ang kanilang ka-deal kaya bumunot ng baril saka pinaputukan ang mga ito.
Kapwa duguang bumulagta ang mga suspek na binawian din ng buhay sa lugar.
Narekober sa insidente ang dalawang cal. .45 baril ng mga suspek, isang cal. .9mm, cal. .38 at 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P250,000.





Comments