top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Sa wakas, on national TV… Vice, umaming dyowa si Ion, 1 year na!

Ronalyn Seminiano
Oct 27, 2019
3 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nanalo ang Team Vice Ganda sa Magpasikat para sa 10th anniversary ng It’s Showtime kahapon (Oct. 26). Marami kasi ang naantig sa emotional performance ni Vice kasama ang Miss Q&A queens with special participation of Dawn Zulueta na may temang self-love na dedicated sa mga taong nagdurusa sa medical condition called “alopecia o hair loss”.

Ang performance ni Vice ay nagpaalala sa mga taong mayroong alopecia na hindi buhok ang basehan ng buhay. Sa naturang performance ay tinanggal din niya ang kanyang wig at ipinakita sa madlang pipol ang totoong “Tutuy” o Vice Ganda na hindi nagtatago sa likod ng maganda at perpektong wig na proteksiyon niya sa mga taong hindi lubos na nakakaunawa.

Standing ovation ang lahat ng tao sa Resorts World at luhaan habang nakangiti dahil sa istorya ng performance ni Vice, kaya deserve talaga nilang manalo ng P1 M pesos.

Naglitanya si Vice patungkol sa mga hirap na pinagdaanan niya bilang mag-isang nagtaguyod ng nasabing performance.

Ani Vice, “In reality, hindi ko naman kaya (mag-isa). Everybody thinks… a lot of people think na kaya ko lagi, when in fact, hindi ko naman po kaya lagi. I need help.”

Nagpasalamat siya dahil tinulungan siya ni Dawn, pati ng Q&A queens. Sabi ni Vice, “Ang sarap kasi mahirap ‘yun, eh. Mahirap sa buhay ‘yung maramdaman mong mag-isa ka at pinipilit mong kumbinsihin ‘yung sarili mong kaya mong mag-isa.

“Sa totoong buhay, hindi po natin kayang mag-isa. Kailangan natin ng katulong, maaaring pamilya o ang Panginoon. Pero kailangan natin ng tulong. Hindi tayo puwedeng mag-isa.”

Dito na nga napasok ang pag-amin… yes, finally ay inamin na nga ng Unkabogable Star ang relationship nila ni Kuya Escort Ion Perez. Aniya, “At itong puntong ito, ang sarap-sarap sa pakiramdam na naramdaman ko na hindi ako nag-iisa.

Kasi, for so many years, for so many times in the past, I felt I was all alone.“At itong pangsampung taon ng Showtime, ang suwerte ko kasi hindi na ako nag-iisa.

Meron na akong katuwang sa buhay.”

Dito muling naghiyawan ang mga tao sa Resorts World at ang patuloy ni Vice, “And I am so happy.

Hindi ko makakalimutan ‘tong tenth year ng Showtime. Kasi dito sa tenth year, nakatagpo ako talaga… ‘yung sinabi ko, you don’t need to be loved by the whole world, you only need yourself and one person that you love to accept and love you back.

At meron na ‘ko nu’n.” Tinanong naman siya ni Vhong Navarro kung asan ba ang sinasabi ni Vice na nagmamahal sa kanya na sinagot ni Vice ng “Nandiyan.

‘Yan, oh!” sabay turo sa bandang likod ni Vhong kung saan nakatayo si Ion.

Kapansin-pansin ang pagiging emosyonal ni Ion at lumapit ito kay Vice at hinalikan sa pisngi ang Unkabogable Star.

Tinanong ni Jhong Hilario si Ion kung may sasabihin ba siya kay Vice. Sabi ni Kuya Escort, “Wala, kasi ‘yun nga, ang lagi kong sinasabi sa kanya, siguro, minahal ko sa kanya ‘yung nakikita n’yo sa kanya.

Siguro, bonus lang na naging Vice Ganda siya, pero ‘yun talaga ‘yung minahal ko, si Tutuy (palayaw ni Vice).

”Biglang singit ni Jhong, “So, puwede na ba nating sabihin na happy anniversary?”

At ang sigaw naman ni Anne Curtis, “Kahapon! (Oct. 25) Kahapon ‘yun!”

Dahil dati nang usap-usapan na 25th of the month ang monthsary nina Vice at Ion, hindi malinaw kung ang tinutukoy ba nina Jhong at Anne na “anniversary” ay anniversary ng Showtime o anniversary nina Vice at Ion.

Well… Hahaha! Happy anniversary, Vice… este, Showtime!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page