Niyayang kumain sa condo, ibinugaw pala.. 16-anyos ni-rape ng Taiwanese
- Mylene Alfonso
- Oct 27, 2019
- 1 min read

Kulong ang isang Taiwanese matapos ireklamo ng 16-anyos na dalagita na kanya umanong hinalay matapos bumatak ng shabu kahapon ng madaling-araw sa isang condominium sa Malate, Manila.
Inaresto ng mga tauhan ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) sa pangunguna ni PMajor Rosalino Ibay ang suspek na si Wei Tang Yao, 55, nanunuluyan sa hindi pinangalanang condominium sa Malate.
Sa reklamo ng biktimang si alyas Gigi kay Ibay, dalawang beses na umano siyang isinama ni ‘Alma’, sinasabing bugaw, sa condominium ng suspek para kumain.
Gayunman, nitong huli ay iniwan na umano siya ni ‘Alma’ at dito na naganap ang panghahalay ng suspek.
Sinabi ng biktima na nakapagsumbong siya sa pulis matapos magkulong sa comfort room ng condominium at tinawagan ang kapitbahay na pulis.
Nakuha sa unit ng suspek ang apat na sachets ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalias.
Tumanggi naman ang suspek na may nangyari sa kanila ng biktima pero, aminadong gumagamit siya ng shabu.
Sa beripikasyon sa record ng suspek, nalaman na dati na itong naaresto sa Region 3 dahil sa kaso ng ilegal na droga.





Comments