top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Napatay na Mayor, lider ng sindikato — PNP

  • Jeff Tumbado
  • Oct 27, 2019
  • 2 min read

Lider umano ng notoryus na Alferez Robbery Group ang napaslang na si Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro.

Ito ang lumilitaw sa patuloy na imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa nangyaring pagpaslang kay Navarro kamakalawa sa Cebu City.

Ang nabanggit na organized crime syndicated ay nakabase sa Ozamis City na may malawak na operasyon sa Western at Central Visayas Regions.

Ang Alferez Robbery Group ang siyang itinuturong nasa likod ng panloloob sa J Centre Mall sa Mandaue City noong Oktubre 19 kung saan apat ang napatay ng pulisya at apat pa ang nadakip.

Bukod sa grupong pinamumunuan ni Navarro, kabilang din ito sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte at iniuugnay din sa Parojinog Drug Group sa Ozamis City.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kung sino ang nasa likod ng pamamaslang sa alkalde na una nang inireklamo ng panggugulpi at pagsasagawa ng malaswang uri ng eksena sa isang spa.

Tinambangan ang sinasakyan ng alkalde habang patungo ng Cebu City Prosecutors’ Office para sumailalim sa inquest proceedings sa reklamong physical injuries at acts of lasciviousness na inihain ng dalawang masahista. Sakay si Navarro sa Maindra police patrol car kasama ang limang police escorts, dalawang kapatid na babae at isang kaibigan.

Napapagitnaan ang alkalde ng dalawang pulis kabilang ang hepe ng pulisya sa bayan ng Clarin kasama ang kapatid nitong babae.

Malapit na sa Prosecutors’ Office ang convoy nang harangin ito ng puting van.

Apat na armadong lalaki ang bumaba sa van at pinaulanan ng bala ang Mahindra patrol car.

Kasunod nito, binitbit ng mga suspek si Mayor Navarro sa kanyang bulletproof vest at nang matumba sa kalsada ay saka binaril nang malapitan sa ulo.

Inaalam din kung bakit hindi gumanti ng putok ang mga pulis na kasama sa convoy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page