top of page
Pokwang.jpg

Murika vs. Magic Blast

Ding Taboy
Oct 27, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

Aalagwa ngayong hapon ang Philracom Rating Based Handicapping System Races na paglalabanan ng 11 karera sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Hahataw ang dalawang Winner Take All (WTA), dalawang Pick 6 at Pick 5 at

Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.

Sa Race 1 magsisimula ang 1st Pick 6 at paglalabanan ng mga kabayong Magic Blast at Murika. Magaganap ang 1st WTA sa Race 2 at ipinapatok ang couple entry na Believe Me at Grandos. Gaganapin sa Race 3 ang 1st Pick 5 at masasaksihan ang labanan ng 3 mananakbo na Juliana’s Gold, Minotaur at Fire Bull.

Nakalalamang ang Magnolia Yana at makakalaban ang Double Sunrise, Wings in My Feet at Tidal wave sa Race 4. Magaganap ang 2nd WTA sa Race 5 at pinapaboran ang Ava’sTale binibigyan ng magandang laban ang Hardliner, isama sa Trifecta, Quartet at Pentafecta ang Love Affair, Feathers at Kentucky Rain Couple entry na Institution at All Heart at makakalaban ang Aim Thirty One.

Sa Race 6 magsisimula ang 2nd Pick 6 at nakalalamang ang Wessfacckol habang magbabanta ang mga kalahok na Olympic Gold, Wild Find at Daanbantayan. Paglalabanan ang mga kalahok na Put Atigerinurtank, Quiet Whisperer at Band Halo sa Race 7 na simula ng 2nd Pick 5.

Ipinapatok ang December Eighteen at laan sa mga dehadista ang Tequila Princess, Smart Tylerat at Batang Bangkal na simula ng Pick 4 sa Race 8. Magtatagisan ng galing ang mga kalahok na Viva Morena at National Pride at isama sa Trifecta, Quartet at Pentafecta ang Forest Cover, Hot and Spicy, Mandatum at Hookbung Dagat sa Race 9.

Sa Race 10, magkakatunggali ang mga kalahok na Jawo, Palma del Mallorca at Sultanov at magiging paratingan sa Race 11 ang Oktubre Katorse.

Samantala, sumakabilang buhay sa edad na 72-anyos na si Nelia Quiroz Bernardino na mas kilalala sa tawag na “Mama Bhe” na butihing ina ni sportswriter Almario Marlon Bernardino Jr. noong Biyernes, Okt. 25 dahil sa multiple organ failure dakong 9:50 ng gabi sa Our Lady of Mt. Carmel Medical Center sa San Fernando City, Pampanga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page