top of page
Pokwang.jpg

Isang sweep pa sa Ateneo, UST, bumawi para sa F4

VA
Oct 27, 2019
1 min read

Binawi ng UST ang Adamson University, 80-74 upang makatiyak ng playoffs para sa isa sa nalalabing dalawang Final 4 berths kahapon sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa Ynares Center sa Antipolo City.

Dahil sa panalo, tumapos ang Tigers na may 8-6, panalo-talong kartada na nagbigay ng pressure sa sinusundang University of the Philippines (8-4) , Far Eastern University (7-6) at De La Salle (6-6) na mga kaagaw nila sa natitirang semifinal slots.

Tumapos si Mark Nonoy na may 17 puntos kasunod si Soulemane Chabi Yo na may 16 puntos upang pamunuan ang panalo ng Tigers.

Samantala, abot-kamay na ng Ateneo de Manila University ang target na sweep ng elimination round matapos muling gapiin ang National University, 88-51.

Isang beses lamang pinatikim ng kalamangan ng Blue Eagles ang Bulldogs at ito’y sa simula ng laro, 2-0 matapos ang lay-up ni JV Gallego bago kumamada ng 11-0 run at tuluyang dinomina ang laban hanggang katapusan.

“This was satisfying. Two weeks in a row, we’ve come out with a great attitude,” pahayag ni Ateneo coach Tab Baldwin.

Nanguna sa nasabing panalo si Angelo Kouame na tumapos na may 17 puntos, 13 rebounds at tig-3 blocks at assists kasunod si Thirdy Ravena na may 15 puntos, 4 rebounds at 3 assists.

Kasama rin si Ravena nina Gian Mamuyac at BJ Andrade sa dumepensa kay NU topgun Dave Ildefonso na nilimitahan nila sa dalawang puntos.

Namuno para sa Bulldogs na bumaba sa markang 2-11 si Shaun Ildefonso na may 21 puntos.Dahil sa panalo, ang University of the Philippines na lamang na makakalaban nila sa Miyerkules ang natitirang hadlang upang ganap na mawalis ng Ateneo ang elimination.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page