top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

4 kulong sa P700-K shabu

Gina Pleñago
Oct 27, 2019
1 min read

APAT katao kabilang ang isang babae ang nahuli na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at nakuhanan ng higit sa P700,000 halaga ng shabu makaraang masita habang nakatambay sa isang lugar sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Col. Alexander Santos, ang mga hinuling suspek na sina Teresita Albaniel, Alvin Lucio, Franklin Desvarro at Aldrin Ilagan, pawang mga taga-Bgy. Ususan.

Sa ulat ng Taguig City Police, nagkasa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Police Community Precinct 6 sa pamumuno ni PCMS Ramirez at pito pang tauhan sa Elephant St. alas-8:00 ng gabi.

Nadaanan ang apat na suspek na kahina-hinala ang kilos kaya kanilang sinita ang mga ito.

Kinapkapan at nadiskubre ang 19 na sachets ng shabu na hinihinalang inilalako ng mga suspek sa kanilang mga kustomer.

May timbang na humigit-kumulang na 105 gramo ang nakuhang droga na may street value na P714, 000.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page