3 pang sasakyan inararo.. Jollibee at Caltex sinalpok ng trak, 5 nadale

Photo: Abs-Cbn News
Isa ang nasawi habang apat ang sugatan matapos mawalan ng kontrol ang isang trak sa Palico Junction, Tuy, Batangas.
Pasado alas-8:00 ng umaga, binabagtas ng trak na minamaneho ni Claudigard Hilario, 44, may asawa, ng Bgy. Lagalag, Tiaong, Quezon, ang highway nang mawalan umano ito ng kontrol hanggang sa kainin ang kabilang linya at nagtuluy-tuloy sa Caltex Gasoline Station bago sumalpok sa salamin ng Jollibee Fastfood chain.
Dead-on-the-spot si Ramil Valdez, 39, ng Bgy. Bolboc, kung saan nakatayo lamang sa lugar nang masapol ng trak.
Nadamay naman ang tatlong sasakyang nakaparada sa lugar at nasugatan ang apat na pasahero ng trak kabilang ang driver.





Comments