2 yrs. probi sa mga empleyado, tablado agad kay P-Digong
SHOCKING ANG LABASAN NG BAHO NG BARRETTO SISTERS — Sa patuloy na bangayan ng magkakapatid na Barretto, nabulgar na kahit hindi pa raw hiwalay si Gretchen kay Tony Boy Cojuangco, nakipagrelasyon daw ito kay Atong Ang, gambling tycoon na karelasyon noon ng pamangkin niyang si Nicole.
Si Marjorie naman, umaming nagkaanak daw siya kay ex-Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri at may pahabol pa, ang anak niyang si Julia, natsismis din kay Ramon Ang na edad 65 na. Shocking ang mga naglalabasang baho ng Barretto family, pang-Guinness World Records, he-he-he!
***
PANUKALANG DALAWANG TAONG PROBATION SA MGA MANGGAGAWA, TABLADO KAY P-DUTERTE — Sinabi ni Sec. Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tiniyak daw sa kanya ni P-Duterte na ibabasura nito ang panukala ni Probinsyano Ako Partylist Rep. Jose Singson na gawing dalawang taon ang probationary period ng mga manggagawa bago desisyunan ng management ng kumpanya kung dapat o hindi dapat iregular ang empleyado.
Dahil sa sinabing ‘yan ni Sec. Bello, dapat huwag nang pag-aksayahan nang panahon ni Rep. Singson ang panukala niyang ito kasi ibabasura lang pala ito ni P-Duterte, period!
***
MATAPOS BATIKUSIN ANG DRUG WAR NI P-DUTERTE, KAALYADONG MAYOR NI VP LENI, TUMBA — Isang araw matapos batikusin ni VP Leni Robredo ang aniya’y palpak na “war on drugs” ni P-Duterte dahil marami na raw ang napapatay, pero hindi naman natitigil ang kalakaran ng ilegal na droga sa bansa, in-ambush at napatay ng mga armadong lalaki ang kaalyado nitong si Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro, isa raw sa mga alkaldeng nasa drug list ng pangulo.
Naku, dapat yata, medyo hinay-hinay muna si VP Leni sa pagpuna sa “war on drugs” ni P-Duterte kasi baka sa kada batikos niya, isang “dilawang” pulitiko ang matumba, boom!





Comments