Training ng karatekas, pinalakas pa sa abroad

Kasalukuyan pa ring nagsasanay sa ibang bansa ang Philippine National Karate team bilang paghahanda ng tropa para sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games) maging sa Olympic qualifying tournaments para sa 2020 Tokyo Olympic Games.
Ipinadala ng Philippine Sports Commission ang karatedo squad sa ibayong dagat para sa two-month international training and exposure upang matiyak ang mahusay nilang performances sa SEA Games at sa Olympic qualifying tournaments.
Noong nakaraang buwan pa nagsasanay ang National Kumite Team sa ilalim ni Turkish Coach Okay Arpa at babalik sa Okt. 30 para sa last stages ng training preparations para sa biennial games sa Nob. 30 hanggang Dis. 11.
“The PSC has extensively supported our athletes’ training, both at home and overseas,” ayon kay PSC Chairman William Ramirez. “We are not dropping our chances. Athletes should get their training and exposure,” dagdag niya.
Si Jamie Lim, ang mathematics summa cum laude graduate ng University of the Philippines at anak ni Philippine Basketball Association legend Samboy Lim ang isa sa napili bilang potensiyal na SEA Games gold medal winner.
Pinagwagian ni Lim ang gold sa -68kgs Kumite sa nagdaang 2019 Amator Spor Haftasi Karate Championship sa Sakarya, Turkey na isang magandang indikasyon ng kanyang posibleng dominasyon sa weight class sa SEA Games, kasama sina Filipino-American Jone Orbin at Filipino-Japanese Junna Tsukii at Sheriff Afif.
Ang iba pang medal hopefuls ay sina Miyuki Tacay, Rexor Tacay, Ivan Agustin, Mae Soriano, prince Alejo, Sharief Alejo at Eugene Dagohoy. Ayon kay Karate Pilipinas President Richard Lim na ang SEA Games-bound Philippine Karate team ay kumpleto na sa kanyang training.
Naniniwala siya na sina Fil-Am karateka Jone Orbon at Filipino-Japanese Junna Tsukii ay may mainam na tsansa na magkuwalipika sa 2020 Tokyo Olympiad kung saan first time idaraos ang Karate bilang regular sport.





Comments