PH tracksters susukatin ang tikas; Boxers, uulit ng gold
- MC
- Oct 26, 2019
- 1 min read

Inaasahang magpapakita ng kahandaan ang Pinoy tracksters sa gagawing test event sa athletics ngayong Okt. 26 at 27 sa New Clark City para sa 30th SEA Games.
Susukatin ang tikas ng 72-miyembro ng Philippine athletics ng mga bansang Thailand, Malaysia at Vietnam sa 20,000-seat New Clark City athletics’ stadium sa 9,500-hectare NCC sports complex.
Dalawampu’t apat sa kabuuang 48 na athletics events sa SEAG ang lalaro sa test events kabilang ang 15 kalahok upang matiyak na competitive na ang mga ito.
Mangunguna rito si ole-vaulter Ernest John Obiena, ang naunang naging qualifier sa 2020 Tokyo Olympics makaraan ang gold-medal winning 5.81-meter leap sa Chiarri, Italy tournament noong Set. 3.
Samantala, noong huling dominahin ng Pilipinas ang boxing competitions sa SEAG, noong 2005, kung saan nag-host ang bansa sa biennial conclave ang boxing team ng ‘Pinas, na ngayon ay pinamumunuan ni head coach Ronald Chavez ay nakasungkit ng walong gold medal sa men’s at women’s sides.
Sa ngayong 30th edition, walang ipinangangako ang Pinoy fighters, maliban lang sa nais nilang ulitin ang 2005 winnings at maangkin ang sport’s overall title.
Sa Sports Communicators Organization of the Philippines (SCOOP) On Air Forum, tinitiyak nina Chavez at ng kanyang mga assistant tulad ni 1992 Barcelona Olympic bronze medallist Roel Velasco na ang target na gold ay magkakatotoo.





Comments