P-Digong, nakahanap ng katapat sa Japan
Inabiso na ang pagdating ng Amihan.
Matutuyot na ang mga dam!
◘◘◘
OBLIGASYON ng water distributors na maghanap ng mapagkukunan ng tubig para sa mga subscribers.
Meaning, dapat silang parusahan sa kakapusan ng tubig!
◘◘◘
IBINABALA na ang rasyon ng tubig.
Makararanas tayo ng higit na grabe pa sa krisis!
◘◘◘
BINASTOS daw si P-Digong sa Japan.
Bastos kontra sa bastos!
◘◘◘
IDURUGTONG ng mga tulay ang Iloilo, Guimaras at Negros gamit ang pondo ng China.
Pati Visayas, sasakupin na ng China!
◘◘◘
MARAMI ang naaawa sa mga Barretto.
Hindi nila “alam ang kanilang ginagawa”!
◘◘◘
WALANG nagmamalasakit sa kanila.
Ipinahahamak sila ng kanilang “adviser” na lihim na naiinggit sa kanila!
◘◘◘
NAG-AAGAWAN ang media sa pag-iskup sa buhay ng mga Barretto.
Isang masamang propesyon na matagal nang biktima ang ordinaryong tao!
◘◘◘
HINDI ‘yan nalalayo sa Google at Facebook, ang personal data ng mga subscribers ay pinagkikitaan.
Tuwang-tuwa naman ang mga “biktima”, feeling nila ay “bida” sila!
◘◘◘
NAIWANAN na ng panahon at teknolohiya ang “humanity”.
Kahit ang mga eksperto ay mangmang sa kahulugan ng “humanity”!
◘◘◘
WALANG “paham” sa ating henerasyon na maaaring magpaliwanag sa “humanity”.
Kapag tinangkang sagipin ang “humanity”, pararatangan silang “baliw” ng modernong tao!





Comments