top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Marjorie, tinawag na kabit… Lolit: Atong, bastos!

Ronalyn Seminiano
Oct 26, 2019
3 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Matapos ang nangyaring one-on-one interview ni Kabayan Noli de Castro sa business tycoon na si Atong Ang hinggil sa Barretto sisters’ conflict, napakaraming lumabas na reaksiyon ng mga netizens kabilang na ang mga batikang parte ng showbiz industry tulad nina Manay Lolit Solis at Tito Boy Abunda.

Kahapon ay nag-post si Manay Lolit sa Instagram tungkol sa mainit na alitan ng magkakapatid na Bar­retto, gayundin ang emosyonal na mensahe patungkol sa ina nina Gretchen, Claudine at Marjorie na si Mommy Inday Barretto. Inilagay niya ang sarili niya sa mahirap at masakit na sitwasyon ng ina ng magka­kapatid na gumawa ng napakatinding ingay at is­kandalo. Nagpahayag din siya ng opinyon sa mga salitang binitawan ni Atong Ang nu’ng Huwebes ng gabi.

Ani Manay Lolit, “It’s no longer dirt Salve, it is trash. Sobra na ang nang­yayaring laundry cleaning in public. Damay-damay na, openly trashing each other in public. Kung ako ang publicist ni Atong Ang, I will never allow him to speak in public, answering what we can call ‘girlie things between family members. The more Atong Ang open his mouth, lalo pang nadidiin ang mga issues na sana ay maki-clear na.

“Siguro, sinuman ang nag-upload ng litrato showing them sa plane na holding hands at nakahilig sa dibdib niya si Gretchen ay nainis na at ipinakita na ang very ‘revealing’ shot. Kahit ano’ng paliwanag mo, best friends don’t act that way. Kung nanatili lang tahimik si Atong hanggang ngayon, misteryo pa rin siya sa public. Saka a real gentleman will not say the word ‘kabit’. Hay naku, sabi ko nga, hindi na ito dumi, basura na. Every day it’s getting uglier.

“STOP. Pity your mom, how can she take this? Mommy Inday with all her kids is I am sure feeling alone and sad. Mour­ning and facing this fiasco, wow, wooden heart ka tala­ga ‘pag kinaya mo. Pra­yers Mommy Inday. Pra­yers.”

Samantala, sinabi na­man ni Tito Boy Abunda na hindi na siya nagulat sa sumabog na gulo ng magkakapatid na Marjo­rie, Claudine at Gret­chen pero nalulungkot siya sa pinagdara­anan ngayon ng mga ito.

Inamin ni Tito Boy na best friend ang turing niya kay Gretchen at aniya, “Though I haven’t seen her in years, she’ll always be an important part of my life. She will always be important to me and always be a part of my life.”

Sinabi rin naman ni Tito Boy na kaibigan din niya ang kaali­tan ni Gretchen na si Marjorie kaya umaasa siya na magka­kaayos din ang dalawa.

Aniya, “And Marjorie is also a friend. Hindi man kami nagsama katulad ng pagsasama namin ni Gretchen, but I’m really hoping… Ito ang alalaha­nin natin, dahil wala rin naman akong alam na hindi n’yo alam, what I know is what you know… Ang alam ko lang ay nababasa at naririnig ko.

“Alalahanin n’yo lang na ang pinang­gali­ngan nito, lalo na si Mar­jorie at si Gretchen, they’re coming from a relationship of love. They were so close to each other sa mga magkakapatid. It’s coming from there. So, ‘pag sinabi kong ako ay umaasa that one day they will find it in their hearts…I may not be making sense, but one day, I hope they find it in their hearts that they just love each other. ‘Yun ang aking wish.”

Samantala, pinayuhan din naman ni Tito Boy ang mga netizens na sumusubaybay sa Barretto sisters’ clash.

Aniya, “Sa lahat, let’s take a few steps backward and be kind. Hindi ko sinisisi ang nagri-react. Iba-iba tayo. It has now become part of our lives—the power to say anything, the power to do anything. Pero huwag nating kalimutan na we have the power to be kind, not just to other people, but to ourselves.”

At katulad ni Manay Lolit ay may payo rin siya sa magkakapatid na Barretto, “Trust in the Divine. Surrender certain things to Him, to know what is right, and that’s enough.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page